Saturday, October 24, 2009

Huwag ka nang magtago sa liwanag ng buwan Sa kadiliman ng gabi




Huwag  ka nang magtago sa liwanag ng buwan
Sa kadiliman ng gabi
Likha at titik ni Ka Noel Malicdem

Pinagmamasdan kita sa isang sulok
Nakatayong mag-isa tila nag-uudyok
Na sa bawat galaw mo’y ayaw ipahintulot
Mabigyan pansin buhay mong masalimuot

Araw at gabi minamatyagan kita
Kung ano ang buhay mo sa tingin ng iba
Ang manatili sa isang lugar upang kumita
Sa kabila ng kadiliman umaasang liwanag ay makikita

Sana palagi na lang maliwanag ang buwan
Upang makita ang kinabukasan kahit walang ilaw sa daan
At din a muling babalik sa lugar ng kadiliman
Ipagpatuloy ang buhay na may kapayapaan

Kaya bukas di na ako dadaan
Sa isang sulok kung saan kita pinagmamasdan
Dahil alam ko wala ng ulap na nakatakip sa buwan
Maliwanag na ang daan ang buhay mo’y may patutunguhan

No comments: