Saturday, October 24, 2009

Bukas iluluwa ng dagat ang puso mo




Bukas iluluwa ng dagat ang puso mo
likha at titik ni Ka Noel Malicdem

Kahapon inihagis mo ang puso mo sa dagat
Upang kalimutan kabiguang nalasap
Sa isang pag-ibig na puno ng pangarap
Na ngayo’y alaala na lang wala nang bukas
Panahon lang ang magdidikta kailan iluluwa
Ng dagat ng pusong nagluluksa
Ang umibig muli kinalimutang pansamantala
Hintayin ang hampas ng alon na maging payapa
Di ko man lubos kilala ang dagat
Ang paghagis ng puso mo’y di ko matanggap
Alon na lang ang magluluwa sa tabing dagat
At umibig muli sa panibagong bukas
Ang puso’y maihahalintulad sa isang dagat
Minsan payapa, minsan humahampas
Tulad ng puso titibok at iibig muli
Bukas iluluwa ng dagat ang puso mo.

No comments: