Saturday, October 31, 2009

Gising na Bayan ko ! -pananaw ng isang OFW ni Ka Noel Malicdem



Gising na Bayan ko !

Wala na akong narinig na magandang balita
Mula nang ako’y umalis at mangibang bansa
Sa bayang puros na lang iringan ang ginagawa
Walang pakialam sa naghihirap na masa

Lahat na lang katiwalian ang nakikita
Ayaw naman tumulong para sa reporma
Kundi ang ipunin mamamayang bulag sa nakikita
Gamit ang simbahan kasama mga artista

Wala raw bisa ang pamamahala
Sa halalang pakapalan ng mukha sa politika
Mailuklok lang ang taong pag-asa raw ng masa
Sa bansang pabalik na naman sa diktaturya

Kailan ko kaya makikita ang tunay na demokrasya
Ang malaya kong magisnan tunay na pag-asa
Malayo sa hirap may buhay na maginhawa
Sa kapaligirang tahimik tunay na nagkakaisa

Sadya nga bang ganito kapalaran ng bayan ko
Paulit-ulit na lang na kasaysayan ang nasasaksihan ko
Sana gumising na at huwag magpaloko
Tunay na kalayaan sa lahat ng Pilipino!

No comments: