Friday, September 16, 2011

masarap magsimba tuwing biernes sa St. Mary's Church Dubai,UAE

halos tatlong buwan na rin pala mula nang ako'y malipat dito sa Dubai. kay bilis ng panahon. isa sa mga kinagigiliwan ko ngayon tuwing biernes ang magsimba. sino ba naman ang hindi mawiwili kay pader sa mga sermon niya. lalo na sa buhay Dubai, ang isang oras na pakikibahagi ng misa ay isang malaking tulong para maibsan ang kalungkutan at pananabik sa pamamagitan sa mga salita ng Diyos.
kaya naman sa tuwing sasapit na ang biernes kahit maaga pa lang naghahanda na ako  para sa misa. masasabi kong malaking tulong ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng misa lalo pat nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa buhay at ito ang nagiging gabay ko para mabigyan nga kalutasan at maiwasan ang pagakakamali muli. nasa buhay na natin ang mga pagsubok ngunit kung tayo'y magiging matatag at malakas ang pananalig natin sa Diyos walang sinumang makakapigil sa atin marating ang ating mga pangarap kahit na anong mangyari.
ang pagsisimba ay isa lamang itong simpleng paraan ng pagpapasalamat sa poong maykapal sa kanyang mga biyaya at panalangin ng mas magandang kinabukasan para sa mga mahal sa buhay.
hay sana biernes ulit....

No comments: