Wednesday, September 21, 2011

inspirational qoute

Oo nga naman talagang ganyan ang buhay dahil kung puro sa patag lang ang roller coaster siguro walang sigla ang buhay. Ano ba naman yung sumigaw ka kung masaya ka, ang umiyak kung malungkot ka . . . dahil sa ganitong paraan mas nararamdaman natin ang  saya at lungkot ng buhay. 
Parang sa pangingibang bansa rin iyan. hindi lahat ng napaprito sa ibang bansa pinapalad. Maraming pagod at hirap na bubunuin bago makamtam ang mga pangarap. siguro yung iba dinaan sa mabilis na paraan pero sa sandaling panahon lang bumalik sa mas lalong kahirapan.
Madalas pa nga sa mismo pa nating mga kababayan nararanasan ang mga  dagok ssa buhay. Sa halip na makatulong mas lalo pa itong ibabaon sa hirap ang iba nating mga kababayan.
Ikanga, walang maloloko kung hindi magpapaloko...maging matatag lamang sa mga pagsubok dahil minsan kung kailan ka tinatapakan siya namang dumarating ang kasaganaan. Marunong lamang tayong maghintay sa tamang panahon...
Kaya sakay na at namnamin ang sarap at hirap sa buhay....kaya natin ito!

No comments: