Saturday, September 17, 2011

joy ride sa Dubai Metro Green Line

palibahasa biernes ayun walang magawa ang inyong lingkod...lumabas at napadpad ng Dubai Metro Green Line.
halos isang linngo pa lang mula ng nagbukas ang line na ito ilang beses ko na ring sinubukan ang sumakay dito lalo na't halos katabi ko lang ang istasyon.
ang ginawa ko sinuyod ko ang buong Green Line. mabuti na rin kahit papaano makabisado ko lahat ang istasyon at mga lugar na sakop ng Metro paraan na rin ito para makabisado ko ang Dubai.
halos apat na taon din kaya akong napalayo sa lugar na ito sa kadahilanang ako'y napadpad na Al-ain dahil sa aking trabaho. sa ngayon at nabigyan ulit ako ng pagkakataon na makapagtrabaho dito sa Dubai ay sinusubukang tuklasin lahat ang mga lugar na hindi ko pa nararating.
di bale mga ilang linggo na lang makakapiling ko na ang aking pamilya at mas masaya na na kapag kasama ko sila.

No comments: