Monday, December 31, 2007

Kuwentong 70's Bistro

mga kabistro share ko lang poem ko about 70's bistro....

Kuwentong 70’s bistro
Likha at titik ni Noel Malicdem,Arkitekto
Dubai, UAE

Kay sarap muling pakinggan
Mga musikang kinagisnan
Sa bandang Anonas matatagpuan
Sa 70’s bistro lamang matutunghayan

Nagsimula noong dekada ’90
Magbigay sigla sa larangan ng musika
Masaksihang magtanghal mga makabagong banda
At mapagbuklod muli mga musikero ng dekada ‘70

Ano mang klase at tugtog ang musika
Bago man o luma basta may kiliti sa masa
Musikang Pilipino sa mga titik at pagkalikha
At sariwaing muli mga musika ng nagdaang dekada
Isang lugar na may kalayaan
Karaniwang tao dito ang tambayan
Madama ang tunay na kapayapaan
Musikang gamot sa magulong lipunan

Bahagi ang bistro sa ating kasaysayan
Saksi sa pagbabago at kaganapan sa ating bayan
Musika ang paraan maiparating ang katotohanan
Maiwasan ang maling pakikibaka sa maling paraan

Dito rin halos ang madalas na tagpuan
Mga taong may hinanakit at hinaing sa bayan
Nagkakaisa sa mapayapang usapan
Musika ang tinig para ipadama ang karaingan.

Naging bahagi upang imulat ang kabataan
Tangkilikin ang musikang pinoy ang pinagmulan
At naganap ang konsiyerto ng bayan
Bistro sa Amoranto hanggang pamorningan

Nagbigay bahagi ng hustisya sa musikerong pinaslang
Sa Quezon Circle nagtipon ang karaniwang mamamayan
Para sa sa isang konsiyerto makamit ang katarungan
Nilahukan ng mga musikero ng buong gabing kantahan

Sa kabila ng maraming pagbabago
Sa musika, politika, at buong mundo
Sa himig ng musika nanatili ang bistro
Musikang hanap ng mga karaniwang tao

Mahigit isang dekada na ang nakaraan
Nanatili ang bistro sa mga pagsubok na dumaan
Di nakalimot sa simpleng pinanggalingan
Kasama ang mga musikerong bahagi ng kasaysayan

Isa lang ako sa mga kabahagi at nakasaksi
Kahit sa tula man lang aking maibahagi
Alaala ng 70’s bistro na sadyang nakakawili.
Malayo man sa bansa sa aking puso’y mananatili

--noel malicdem
2007-01-29 09:34:10 GMT

Tuesday, December 18, 2007

Orchids for Three Exiles - Sylvia L. Mayuga

Orchids for Three Exiles - Sylvia L. Mayuga
First posted 03:52pm (Mla time) May 21, 2005
By Sylvia L. MayugaINQ7.net

nangingibang bansa para sa pamilya,
dala ang pangarap para sa kanila sa
konting kita,sila’y mapasaya,
sa kalagayan nami’y walang magawa.

sa bansang iniwan di pa rin masilayan
kaunlarang tunay, puros pa ring kahirapan
dahil sa pulitikang parati na lang iringan
nangangampanya na, malayo pang botohan.

ngunit walang magawa pag kami’y inaabuso
baka raw masira ang relasyon sa bansang ito,
magtiis na lang hanggang matapos ang kontrata ko
sa disyertong tinatawag na “lupa ng pera piraso.”

sadya nga bang ganito ang aming kapalaran?
iniiwan ang pamilya para sa kabuhayan
pagod sa trabaho, lungkot ay kinalilimutan
upang patunayang kami’y bayani rin ng bayan.

sa paglipas ng taon marami akong natutunan
sa mga taong nakasama at hirap na nasaksihan
mapalad daw ako, trabaho nila'y di nasubukan
di nila alam: mas mahirap aking ginagampanan.

Two things tug at the heart in these excerpts from two Tagalog poems by Noel Malicdem, an overseas contract worker in Jeddah, Saudi Arabia. One is the human condition of seven million Filipino overseas workers in the flesh. The other is the hidden poetry Noel brings to exile, unheard as he bends his shoulder to manual labor, echoed only in the ears of a few fellow exiles till now, on the Web.Literature by Filipinos abroad has been with us since the 30s. Seven decades and millions of overseas workers later, the Internet makes a quantum leap possible, as light in the human heart scans class, national and global divisions with art’s longing to bridge them all. In real time on the Net, here’s powerful stimulus to healthy new growth for the stunted tree of Philippine democracy.Who knows what could happen down the bend of this benevolent triangle? On one side is a foreign host country providing soul friction for turning into pearls, on the other two sides new channels of understanding for a nation in diaspora, as much abroad as on home ground. Art is the open doorway into one another’s inner reality, nowhere quicker than on the Internet.This is eminently true of the Web-beamed stories of Rey Ventura, who left home after years of underground political activism and lived by his wits as a T & T in Japan. Learning a new language, turning chameleon – talent will out with good karma. Today Rey thrives as a professional in a Japanese news agency and wields both freelance pen and cameras, still and video. He’s also married to a Japanese lady and they have a nine-year old daughter named Maharlika.With all that has come signal recognition at home. A well-received first compilation of his work in the book ‘Living Underground in Japan,’ published by Jonathan Cape, London in 1992, has just provoked a 44-page critique by Caroline S. Hau, in a book released this month by the Ateneo University Press – ‘On the Subject of the Nation: Filipino Writings from the Margins, 1981 to 2004.’ Now a sequel to ‘Living Underground in Japan’ titled ‘Into the Country of Standing Men’ is in the first stages of publication by the Ateneo press, with the possibility of a double launch of both titles.But far more impressive than Rey Ventura’s publishing success is his artist’s moving window to life, earned in a foreign sojourn that began as a wandering tachimbo (day laborer) in Japan. His peers in a near-invisible social bottom were homeless squatters, Japanese and migrant, found in the crevices of a wealthy, rigidly hierarchical host country. This is how we meet Gabriel in his ”blue mansion”.Long after Rey found his footing in Japan, he would regularly return to his old fellow tachimbos and wear their skin, share their heartbeat, then later tell their stories as only he can. Meaning harvested from suffering becomes literature and deathless imageRemembering is what it’s all about. Ask Bert Florentino, playwright and pioneer publisher of Filipino literary gems for the majority’s reach – the Peso Books he began in the 60s. Riveted at 75 to computer and Internet in New York City, everyday he volleys a spirit called Filipino to the world and beyond:
“During liberation in a ruined Manila, I was 14 years old. I enjoyed the liberation years because there were lenses and eyepieces selling for only a few pesos on Evangelista St., Quiapo. Out of them I was able to make my own (1) telescope and (2) microscope. I never owned (and still do not own) a telescope or microscope. Necessity is the mother of invention. So I invented MY OWN…“Like Galileo, I peered through my 2-meter long telescope hanging from the ceiling and saw Jupiter as a disc with ‘brilliantes’ moving around the planet like fireflies. It was the sight that gave Galileo the insight about the worlds out there and the world he, and we stand on.“I found a way to learn about reality, uncertainty, incompleteness, relativity – from Godel, Neils Bohr, Albert (that where my father got my name?) Einstein to George Gamow, Shapely, Asimov, Clarke (the 2 popularizers), Carl Sagan, Hawkings, Penrose and the rest. When my classmates were reading comics, I was reading the first postwar books on Einstein and his relatives (wife, daughter, ‘illegitimates’), and his theory (ies) of Relativity.“To man in the time of Copernicus and of earlier and later scientists, the world was flat for all purposes, as suggested by the Church or accepted by it. Maps at the time showed the world as a flat expanse of ocean(s) and seas. Beyond the edge of that mariner's paper map, where ships are shown falling off the edge as on Niagara Falls, the WORLD, WAS, FLAT.“Instead Galileo the dissenter, having just peeked through his telescope, said no, the earth was a sphere of ocean (water) and earth (rocks or cold magma). For that time THE, WORLD, WAS, SPHERICAL.“Until we sent Man (first his instruments, then his body) out of the steady pull of gravity into outer space, the earth only was as big or as round as man's vision of it.“Man's world for eons, millennia, was as big (or as far) as his footsteps or his horse or his carriage could go.“Man's boat, car, ship, airplane and Concorde made his world bigger. Then Man sent the Voyager rockets to outer space and other outer-space satellites. The more and bigger the earth became.“Man started sending out radio signals and slowly or quickly the world, the universe, and the cosmos increased with every big step made by Neil Armstrong's actual trip to the moon, Carl Sagan's recording of evidence of life on earth went to the reaches of the ‘farthest throw ever made’ from earth. (It is still going out, the longest cruise to nowhere.)“Man's reach started to exceed his arm's length and his eye's ken – the telegraph, the telephone, the edges of the ever expanding Internet's www territory… 'Tis right, the universe or cosmos is as big as the sense of sight can make it, the extent of his radio signals, his rockets and radio signals, can reach…”And here we reach the edges of what religions call “oneness.” Hindus and animists see it everywhere in Nature. Christians call it God’s heaven, Muslims Allah’s paradise. The Buddha taught us to sit still and find its inner kingdom – like Sufi mystics, Christian contemplatives and the tribal shamans who know heaven is here, right now, with all its pain and contradiction, to those who see.All roads lead no longer to Rome but to a center in a world with many centers, until humans look upward beyond the rockets and inward beyond the visible. And almost always now, there’s a Filipino witnessing it all in a corner somewhere close – marveling and recognizing, crying out, recording and unreeling memories in celebration.

Tuesday, November 27, 2007

Palestine suffering

Palestine suffering
posted in Khaleej Times (UAE)
Letters to the Editor
November 15,2007

I HAVE been in the Middle East for the last five years. I don't know much about the history of the Palestine people but I've heard or read about, and watched their lives through the media. And, now, the latest incident in Gaza. It is a shame. It only shows there will be no peace in the near future. Everybody wants to be a leader, and nobody wants to be a follower. You can throw stones at your enemy but you can be easily hit by a bullet by your own people who are supposed to be defending you from your enemy. Until now, you don't have your own nationality, though you all call yourselves Palestinians. "Everybody wants to change the world, but nobody wants to change himself".
I hope Palestinians will keep on fighting for what's right, that will lead to peace, instead of sending their young generations into conflicts without knowing what they're fighting for.
— Noel Malicdem, Al Ain

Sunday, November 4, 2007

melon magkakaibigan...abalayan



nagsimula sa melon ang matagal na samahan
kasabay sa pagkain panghimagas sa tanghalian
ilocano pangasinan halo-halo kami sa kainan
diyan nagsimula ang aming tunay na pagkakaibigan.

sari-saring lahi ibat-ibang paniniwala
di namin pansin basta tunay lang ang pakikisama
ang pagkakakilala hindi lang sa loob ng eskwela

mas higit pa ito pag may melon na meryenda.

sari-saring diskarte para makatapos sa eskwela
waiter, konduktor,mananahi at may folk singer pa
ginawa na ang lahat may pambayad lang sa matrikula
matapos lang ang kurso na aming kinukuha.

buhay estudyante mahirap talaga
lalo na sa pagpasok kulang ang baong dala
pero di ka mag-aalala dahil may karamay ka
tanghalian at meryenda siguradong may kasalo ka.

sa halos limang taon na aming pagsasama
maraming pagsubok sa aming samahan ay naipunla
mahigit pa sa kapatid kung ituring ang isa't-isa
kaya natapos na sa kolehiyo kami pa rin magkakasama.

wala ka nang hahanapin pa sa aming pagsasama
tunay na kaibigan dito mo lang makikilala
payat,mataba,pandak,pultak at may kambal pa
sa hirap at ginhawa melon kang kaibigan na kasama.

tunay na kaibigan walang iwanan
bagyo,layos, anggano yegyeg la ditan
nagkakahiwalay lang pag luven na ang pinag-uusapan
siguradong mawawala kanya-kanya na ang lakaran.

yan ang aming samahan kung tawagin abalayan
hanggang sa pagtanda tuloy ang pagkakaibigan
maibahagi sa mga susunod naming angkan
melon magkakaibigan walang hanggang samahan.



Thursday, November 1, 2007

Global Nation / Mailbag

Isang panawagan sa darating na halalanBy Noel MalicdemINQUIRER.net
Last updated 02:23pm (Mla time) 01/26/2007
Malayo man ako sa ating bayan
Gusto kong ibahagi ang nararamdaman
Pagmamalasakit sa patuloy na kahirapan
Umaasang may pagbabago sa darating na halalan.

Malapit na naman ang pambansang halalan
At halos wala pa ring pagbabago sa ating bayan
Walang katuparan mga pangako sa mamamayan
Kung sinong nakapuwesto sila lang ang nakikinabang.

Walang pinagbago ang mga politiko sa ating bayan
Trapo pa rin at walang pakinabang
Sa maling sistema at huwad na katauhan
Kaya ang bayan patuloy ang kahirapan.

Gamit ang masa sa panlilinlang
Magmumukhang santo, nandamay pa ng simbahan
Takutin ang mamamayan sa pamamagitan ng karahasan
Mas masahol pa kapag nanalo sa halalan.

Paulit-ulit na lang ang ganitong kaganapan
Sa tuwing sasapit ang pambansang halalan
Hahamakin ang lahat sa maling paraan
Upang manatili sa gawaing puno ng katiwalian.

Nakakasawa na ang mga politikong namamahala
Kung hindi kapamilya, mga laos na artista
Paikot-ikot lang at walang plataporma
Inabutan na ng halalan wala pa ring nagawa.

Batu-bato sa langit
Ang tamaan huwag magalit
Sa mga politikong hatid lang ay pasakit
Sa bansang wala nang narinig kundi panlalait

Sana suriing mabuti ang mga kandidato
Kung siya ba'y karapat-dapat na mamumuno
Tapat sa pangako at handang magsakripisyo
Para sa kapayapaan at tunay na pagbabago.

Paalala lang sa darating na halalan
Maging matino sa araw ng botohan
Iboto ang kandidatong tapat manungkulan
May takot sa Diyos at pagmamahal sa bayan.

Si G. Malicdem ay isang arkitektong nagtatrabaho sa Dubai, United Arab Emirates.

Sunday, October 21, 2007

posted in PINOYexpats



Dubai...

titik at likha ni ka noel malicdem


Sa'n bang punta kabayan at ika'y nakaporma

Di naman siguro sa tsik mong maganda

Baka naman sa airport dala ang visit visa

Papuntang Dubai baka sakaling trabaho ay makakita.


Di naman masama ang mangibang bansa

Mangarap mabigyan kaginhawaan ang pamilya

Kesa ang manatili gutom naman ang sikmura

Bayang walang nang pag-asa dahil puro politika.


Pagdating sa Dubai ay iyong nakita

Tunay na buhay malayo sa bansa

Ang maghanap ng trabaho bago ma-expire ang visit visa

Nababahala dahil baka kapusin dalang pera.


Mamuhay sa Dubai ay di biro

Maraming naloloko dahil di naman legal ang pagparito

Sa pagkain at upa ng bahay ubos na ang sweldo

Malas mo pa kapag iyong amo ay di ka pa pinasweldo.


Ang payo ko lang bago ikaw ay pumarito

Huwag maniwala sa sinasabi ng mga galing na dito

Dahil ang kapalaran di naman pare-pareho

Baka ang kitain halos pambayad lang ng utang mo.


Sana nga kabayan pagpunta mo rito

Panalangin ko'y makahanap ka agad ng trabaho

Upang ikaw ay di mapahamak sa hirap ng buhay dito

Huwag lang mahiya magtanong sa kabayan mo.


Buhay sa Dubai may kasamang sakripisyo

Konting tiis lang makakaraos sa pagsisikap mo

Dalang pangarap maaabot mo ito

Sa tamang panahon may pagbabago buhay mo.



Isang araw sa buhay Dubai …

titik at likha ni ka noel malicdem


Tumunog na naman ang cellphone ko

Hudyat na naman ng pagpasok sa trabaho

Dagliang buhos para lang masabing nakaligo

Di na makapag-almusal kaya sandwich na lang baon ko.


Pagbihis na halos isang minuto

Para habulin ang bus sa kabilang kanto

Dahil pagnahuli antay ulit ng tatlumpong minuto

Baka masira lang araw ko pagdating sa trabaho.


Pagdating sa sakayan panibagong pakikitungo

Ibat-ibang lahi ang makakasalamuha mo rito

Sari-saring amoy pa ang malalanghap mo

Pasensya na lang pareho lang kaming pasahero


Ang buhay sa Dubai kakaiba sa bansang iniwan ko

Makatipid lang sa sweldo kahit siksikan sa kuwarto

Masikip man ay kailangan sakripisyo

Maranasan ang buhay malayo sa pamilya ko.


Tama lang sa akin ang buhay na ganito

Makipagsapalaran sa kinabukasan ng mga anak ko

Limutin and lungkot Diyos lang ang karamay ko

Dahil kung may hirap ginhawa ay mapapasaiyo.



Ang sermon…sa pananaw ng isang OFW sa Dubai

Likha at titik ni ka noel malicdem, arkitekto



Gusto ko lang ibahagi sa pamamagitan ng tula
Ang aking karanasan sa tuwing ako'y nagsisimba

Lalo na't si Fr. Zaki ang nangunguna sa misa

Tiyak na kagigiliwan mga sermon na may patutsada.


"Batu-bato sa langit ang tamaan huwag magalit"

Mga katagang bago magsermon ay binabanggit

Paraan lang imulat at magmalasakit

Sa mga kabayang lito ang pag-iisip.


Huwag sanang masamain ang kanyang napupuna

Ang magdamit ng maayos sa tuwing magsisimba

Ang magkuwentuhan habang kasalukuyan ang misa

Upang maiwasan makaistorbo rin sa iba.


Ang mga kuwento sa sermon ay hango sa mga nakikita

Mga pangyayaring sa araw-araw ay nasasaksihan niya

Sa mga kababayang landas ay kumaliwa

Ibangon muli at mabuhay ng mapayapa.


Sa kabila ng pagkakalayo sa ating bansa

May isang pari hangad lang ay mapasaya

Sa mga kabayang naghahanap ng magandang balita

Lunas sa pagkakalayo sa mahal na pamilya.


Buhay sa Dubai di lahat may ginhawa

Halos pambayad lang ng bahay ang iyong kinikita

Di makabalik ng bansa kaya sa Kish na nakatira

Baon sa utang dahil lang sa visit visa.


Di naman masama ang mangarap mangibang bansa

Hangad konting karangyaan para sa pamilya

Huwag sanang padadala sa sabi-sabi ng iba

Magsimba na lang tayo at malayo pa sa pagkakasala.


Bahagi na ng sermon paraan ng pagpapasaya

Makalimot sa problema, lumakas ang pananampalataya

Maliwanagan ang isip sa maling akala

Maging kahanga-hanga sa paningin ng iba.


Ang panalangin ko lang tayo ay magkaisa

Maging karamay sa bawat pagsubok ng iba

Isang bayani at bahagi ng pagbabago ng bansa

Tunay na pananampalataya, buhay ay magiging mapayapa.


Noel Malicdem is an Architect from Baguio City (formerly from Pangasinan). He is currently working with Shankland Cox Dubai as an Architect. He is married with two children. He loves country music and collects hard-to-find country music stuff such as cds, tapes and magazines.His love for poetry started when he started working in middle east. He has been there for 5yrs in a row and poetry is his way of expressing what it is like to be an OFW.