K.S.A. - kwentong site sa Saudi Arabia
(isang tulang aking isinatitik habang ako'y nasa sa site at ibahagi ang aming karanasan bilang isang OFW)
pagbaba ko pa lang ng sasakyan mga tao akin nang nasisilayan
pokpok ng martilyo, halo ng semento sa may daan
sari-saring lahi, ibat-ibang salita mapapakinggan
simula na naman trabaho sa aking pinapasukan.
pangkaraniwan na sa akin mga sigawan
mga nakasimangot at bating "alaiko musalam"
muslim at kristiyano wala akong pakialam
trabaho'y magampanan walang personalan.
pagdating ng tanghalian sama-sama kami sa kainan
manok at kanin na ulam siya naming pinagsasaluhan
konting kwentuhan pagod lang ay di maramdaman
panandaliang tulog dagdag lakas sa aming katawan.
di mo bakas sa kanila pagod na nadarama
kailangan gawin dahil ito ang utos sa kanila
minsan napipilitan daanin na lang sa konting patawa
para maiwasan di pagkakaunawaan sa isa't-isa.
sa araw-araw na sila'y aking nakakasalamuha
marami akong napuna sa buhay nilang tinatamasa
sa hirap at pagod kapalit ng konting kita
kasama pa ang lungkot malayo sa pamilya.
sa paglipas ng taon marami akong natutunan
sa mga taong nakasama at hirap na nasaksihan
mapalad daw ako trabaho nila'y di ko nasubukan
di lang nila alam mas mahirap aking ginagampanan.
tingin ko sa kanila ay di naman naiiba
nagkataon lang sa trabaho kami ay magkaiba
sa mabuting pakikisama kami ay nagkakakilala
maging bahagi ng buhay, alaala ng
No comments:
Post a Comment