Dekada ‘60
Isang pangulo ang niluklok ng masa
Dahil sa galing tao’y napaniwala
Sa pag-aakalang kaunlaran isusulong niya
Bagong lipunan ang sigaw ng pamahalaan niya
Dekada ‘70
Maraming pag-aaklas upang patalsikin siya
Pinadukot lahat ang mga kalaban sa politika
Pati Martial Law ideniklara
Dahil may banta daw ang bansa sa komunista.
Dekada ‘80
Lumala ang kahirapan bagsak ang ekonomiya
Di maitago lubog na sa utang ang bansa
Nag-snap election para manatili siya
Di nagtagal pinatalsik siya ng isang kudeta.
Dekada ‘90
Nakamtam daw tunay na demokrasya
Di naman nagbago pamumuhay ng masa
Wala pa ring katahimikan tuloy pa rin ang giyera
Anay ng lipunan gamit ang pulitika.
Bagong simula . . .
Lumipas na ang maraming dekada
Halos paulit-ulit lang mga pangyayari sa bansa
Hangga’t walang tunay na pagkakaisa
Juan dela cruz puro na lang sa umpisa.
Ngayong dekada . . .
Isulong na ang tunay na demokrasya
Hangarin ay pagbabago tunay na pagkakaisa
Upang ang bansa’y mailayo sa diktaturya
Kaunlaran at kapayapaan sa susunod na dekada.
Sa susunod na dekada . . .
Sana mayroong ng reporma
Disiplina at hindi panlilinlang sa kapwa
Sa kanayunan wala na ang maling pakikibaka
Unawaan sa paniniwala para sa matahimik na bansa.
No comments:
Post a Comment