alaala ni papa
(isang tula sa aking yumaong Ama)
mula pagkabata kasa-kasama ko na siya
laruang saranggola siya ang gumagawa
pati sa gupit halos kami'y magkapareha
sa tuwing darating may pasalubong na dala.
pinalaki kami tahimik at maayos na pamilya
sa munting bahay na puno ng saya
di magawang magalit kahit inis na siya
lalo na kay mama pag kami'y pinapagalitan na.
lumipas ang panahon kami'y malaki na
siya namang paghina ng aming papa
sakit na nararamdaman ayaw ipadama
di namin alam siya pala ay malala na.
buong pamilya lungkot ang nadama
dahil alam naming iiwan na kami ng aking ama
lalo na ako na di ko man lang naipakita
pagmamahal at pag-aaruga noong siya'y malakas pa.
pumanaw man ang aking ama
mabuting alaala iniwan sa aming pamilya
tapat na ama mabuti sa mga anak niya
di ko man lang nasabi bilib ako sa kanya.
umiiyak ako tuwing naalala ko siya
di ko man lang naibahagi tagumpay na nadarama
isang ama na kapiling mo sa hirap at ginhawa
di mo bakas ang hirap mabuhay lang ang pamilya.
sa buhay ko malaking bahagi siya
lahat na tagumpay alay ko sa kanya
alam kong kapiling na niya ang may likha
ipinagdarasal na patnubayan naiwang pamilya.
maraming salamat sa iyo aking ama
sa magandang aral at buhay na pakumbaba
sa tamang landas sana ay matularan ka
sa aming buhay laging kapiling ka.
No comments:
Post a Comment