Tuesday, August 27, 2013

Pork Barrel ride-Urban Gears

Bilang pakikiisa laban sa mga nakakkasukang katiwalian ng mga buwayang polotiko, naglunsad ang Urbana Gears ng isang bike ride sa ilang kalye ng Dubai. kahit man lang sa pamamagitan ng pagpadyak ay ipaabot sa ating mga kababayan na ang mga OFW ay nagmamasid din sa mga kaganapan sa ating bayan.

Kaming mga OFW nagtititiis na malayo ng ilang taon at bunuin ang ilang oras sa isang araw upang kumita lamang ng sapat para sa pamilya, samantalang ang mga politiko ay walang habas na lustayin ang mga pondo na dapat sana at para sa kaunlaran  at pagtulong sa mahihirap.

Para sa aming mga pumapadyak, tuloy lang ang buhay. Di bale nang nakabisikleta lang kami kesa masangkot sa mga katiwalian at panloloko sa kapwa. Di bale nang pagod at pawis ang puhunan kesa sa madaling kita.
Mas masarap mabuhay at magpahinga sa malinis na kita!

ikanga...ni helmet , no ride! .it was a great ride ! let's do it again folks.

Again, many thanks to those first timers with UG, hope you'll be riding with us again!



chicken muna...bawal ang pork dito...


daanin na lang sa bike ride....


stop...look...and listen....


my original MTB buddy....Mr. Maru


ready to rock and road!

ayan ok na gulong ko.



isigaw natin "bawal ang pork dito"...KFE bucket na lang!

pics...pics!

No comments: