Wednesday, December 21, 2011

Ulirang Ina


Ngayong Disyembre, isa ang aking ina sa mga pinarangalan bilang isang “Ulirang Ina”.
Hindi ko maipagkakaila na karapat-dapat lamang ito sa aking ina na sa kabila ng kahirapan sa buhay ay nagawa niya kaming alagaan at mabigyan ng maayos na buhay. Marahil marami ang di nakakakilala sa aking ina. Mula sa musmos naming gulang hanggang sa kamiý nagkapamilya, masasabi kung walang pinagbago ang pag-aaruga ang aking ina sa aming mga magkakapatid.

Isa sa mga gawaing hindi niya nakaligtaan ang gumising ng umaga upang maghanda ng almusal para sa amin at pagkakatapos nito maghahanda na rin siyang pupunta ng palengke para naman sa pang araw-araw naming pagkain . Maraming kaming mg pinagdaanan sa aming ina na kung minsan ay humahantong sa tampuhan, galit at dala na rin ng pag-iisip ng alam namin ay tama. Oo iba magdisiplina ang aking ina kesa sa aking ama ngunit sa kabila nito ay naging gabay namin ito hanggang sa aming paglaki na kung hindi namin pinagdaanan ang mga pangaral at disiplina ng aking ina marahil sa kasalukuyan ay iba rin ang kapalaran namin sa buhay. Maaga man pumanaw ang aming ama, pero ang aming ina ang siyang tumayong ama ng tahanan upang kamiý itaguyod sa tamang landas.

Ni minsan ang aming ina ay hindi humingi ng kapalit para sa kanyang mga ginawa, ngunit patuloy pa rin ginagampanan ang kanyang mga tungkulin hanggang ngayon ng walang pagod. Ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga sa amin at walang katulad.

Sa mga taong nakakakilala sa aking ina, salamat sa inyong respeto. At sa mga di makaunawa sa pagkatao ng aking ina, isa lamang ang masasabi ko isa siyang ulirang ina sa aming puso at isip. Nagkulang kami ng marami sa aking ina ngunit ni minsan ay hindi hadlang ito upang magbago ng pagtingin ang aming ina sa aming pagkatao.

Maraming salamat Mama sa iyong walang hanggan pagmamahal

No comments:

Post a Comment