Wednesday, December 21, 2011

Bagyong Sendong at kalikasan




Ilang araw na lang pala at pasko at pagkalipas nito bagong taon muli. Ang bilis ng panahon talaga di mo namamalayan ganun na lamang lumipas ang isang taon.
Pero papaano mo nga naman ipagdiriwang ang pasko kung ang nakikita mo ay mga pangyayaring di mo inaasahan bago sumapit ang pasko, ganito ang sinapit ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Sendong. Nakakapangilabot at nakakalungkot makita ang pinsala na dulot ng biglaang paghagupit ng bagyong ito.

Maraming katanungan sa sinapit nilang ito, ngunit tanging sa itaas lamang ang makasagot bakit kailangang mangyari ang mga bagay na ito sa tao at kalikasan.  Maraming buhay na nawala at pangarap na nasira, mga pinaghirapan na sa iglap ay naanod at nawala. Tumambad pa dito ang mga mga biktima ng kalikasan mga punong kahoy na galling sa kagubatan na tila ba nagsasabing “inanod lang kami ng ulan dahil wala na kaming makakapitan”.  Isa nga ba itong babala ng kalikasan para ito ay pangalagaan at bigyang ng tamang pag-aaruga at respeto.

Tama na ang sisihan, magkaisa na at bumangon muli. Hindi na maibabalik ang mga nawala bagkus bigyan natin ng bagong simula an gating buhay at bigyang kahalagahan ang kalikasan.


Muli, isang taos pusong pakikidalamhati sa mga biktima ng sakunang ito. Kasama niyo kami sa mga dasal upang ibangon muli ang inyong buhay.

Sa kabila ng lahat, ipagdiriwang pa rin natin ang pasko sa kahit anong paraan dahil ang tunay na diwa ng pasko ay hindi sa karangyaan kundi ang magkaroon ng kapayapaan ay pagkakaisa ng bawat isa sa panahon ng pagsubok sa atin buhay.

Maligayang pasko sa inyong lahat.

No comments:

Post a Comment