Isang pagbati ng araw ng kalayaan sa mga kapwa ko Pilipino.
Bilang isang Pilipino at OFW ,pangkaraniwan na ang Hunyo 12 na araw ng trabaho o di kayay pahinga kapag ika'y nasa ibang bansa. Oo nga't marami na sa ating mga kababayan ang nakakaligtanang gunitain and ating araw ng kalayaan. Pero hindi ko naman masisisi mga kabayan ko dahil alam ko naman sa puso at isip nila Pinot pa rin sila. Minsan nga naiiingit na ako sa mga selebrasyon ng bansang kinalalagyan ko,dahil talagang binibigyan nila ng pansin ang pagdiriwang sa mga espesyal na araw ng kanilang bansa.
Ayaw ko na ikumpara ang bansa natin, basta ang sa aking mulat pa rin namana ako sa kasaysayan at mga pangyayayri sa ating bansa. Tuloy lang ang buhay, may kanya-kanya tayong pananaw bilang isang Pilipino,basta ang importanate kahit na ano pa ang turing at trato sa atin, taas noo pa rin tayong mga Pilipino.
No comments:
Post a Comment