Tuesday, January 10, 2012

Bagong taon, bagong panata, bagong pag-asa


Bagong taon, bagong panata, bagong pag-asa
Marahil ang bagong taon madalas na nagbibigay lakas ng loob para harapin muli ang mga nakaambang pagsubok sa buhay.
Sabi nga sa sermon noong nakaraang biernes, ano naman kaya kung tingnan na lang natin lahat na positibo ang mga pangyayari sa ating paligid, sa pagsubok sa buhay at tingnan kung ano ang maidudulot na pagbabago sa iyong buhay.
Oo nga naman, para maiba ang takbo ng buhay tumingin naman tayo sa mga pangyayari sa ating buhay mabuti man o hindi.
Wala naman mawawala, at hangga’t may pag-asa sa ating buhay gawin lang natin ang nararapat at ikabubuti n ating buhay.
Kaya ngayong taong ito, wala akong panata…simulan lang ng positibo ang lahat ng gagawin at kung ano man ang ikabubuti nito ay huwag kalimutang pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng iyong buhay at Poong Maykapal.

kain muna ako ngarud....tapos balik trabaho ulit...

No comments: