Tuesday, September 20, 2011
kuwentong walang kuwenta sa Dubai Metro
Paano nga ba namang walang kuwenta ang kuwento kong ito e sa lahat ba naman ng makikita mong walang kuwenta ay sa mismong kababayan mo pa.
Habang sakay ako ng Metro meron ba namang etong kababayan nating dilag na may nakatabing isang construction worker. Sa makatuwid galing sa trabaho at dala ang pawis at amoy dahil sa maghapong pagtatrabaho.
Aba bigla ba naman halatang lumayo at nagtakip at nagsabi na "ang baho nama nito" sabay tawa rin ng mga kasamahan niyang mga kababayan.
Sa totoo lang, kung amoy hayop yung nakatabi mo kabayan..aba mas masahol pa sa hayop ang inasal mo. Hindi ginawa ang Metro na para sa Pilipino lamang or sa piling lahi lamang.Kung gusto mo nang convinience ikanga aba magtaxi ka kung ayaw mo makipagsiksikan. Hindi mo lang alam na pagod at hirap ang binuno ng taong nakatabi mo para para sa kapiranggot na sweldo. Dahil sa kagustuhang makatipid sumakay ng Metro para siya ay magkaroon din ng ginhawa kahit sandali at walang alinglangang sumakay dahil alam niya pampubliko ito.
Minsan, akala ng ibang kababayan angat sila sa lahat. Ayaw magpakumbaba, taas noo na wala sa lugar. Hindi mo lang alam mas maayos ang buhay na taong iyon kesa sa iyo.
Nasa iyo man ang lahat ng materyal na bagay kung ang puso mo naman ay mas masahol pa sa hayop...aba nangangamoy ka na kabayan. Oo na angat tayo sa iba, pero hindi sa lahat ng bagay puwede ka umasta sa pamamagitan ng panlalait sa kapwa. Kaya minsan mas mabigat pa ang buhay na dinaranas ng mga iba nating kababayan dahil na rin sa kawalan ng respeto ng bawat isa.
Isa lamang paalala sa iba nating kababayan, irespeto din natin ang ating kapwa anumang kulay o lahi ito. Bisita lang po tayo lahat dito sa bansang kinalalagyan natin kaya bigyan lang po natin ng pantay-pantay na pagtinigin sa ating kapwa dahil sa itaas walang mayaman,walang pulubi,walang maganda,walang mabaho iisa tayo sa paningin ng Diyos.
Yan ang OFW....marunong rumespeto!
No comments:
Post a Comment