gusto ko lang pong ibahagi ang tulang ito sa aking mga kababayan sa UAE na kabilang sa karanasang ito na sana magsilbing pagmumulat ito sa sa ilan nating kababayan na may ganitong kalakaran. wala po akong hinanakit at humihingi lamang po tayo ng pag-unawa pagkabasa ng tulang ito...salamat po.
"Boarding house"
isang tula sa tunay na karanasan sa buhay ng isang OFW sa UAE
likha at titik ni ka noel malicdem
batu-bato sa langit
ang tamaan huwag magalit
sa mga kabayang walang hinanakit
sa pahirap na dulot ng panggigipit
sa mga tirahang ubod ng sikip
at mga tulugang halos dikit-dikit
sa rentang ikaý mamimilipit
sa kagustuhang makatipid at umiwas sa gipit
magtiis na lang kahit hindi sulit.
walang konsiyensa kung sila'y umasta
kapag tumawad baka ikaw lang ay mapahiya
kaya ang bagsak sa silid na ang pagitan lang ay kurtina
dito makakamura upang may pandagdag sa padala
kesa pakinabangan ng ilang kababayang mukhang pera
na patuloy nagpapahirap sa maling sistema
eto ang katotohanang dagdag pahirap sa mga kabayan
walang pakialam sa perang pinaghirapan
abunado sa padala dahil sa renta nakalaan
gagawa ng paraan matusutusan lang ang pangangailangan
kaya karamihan nababaon sa utang
dagdag pa rito ang kahihiyan dahil sa kawalanghiyaan
eto ang kapalaran sa mapag-abusong mga kababayan
sa patuloy na kalakaran
sadyang bulag nga ba mga kababayan
na madalas biktima sa mga abusadong mga kababayan
di bale nang magsiksikan may kurtina namang pagitan
na nagsisilbing takip sa mga kamalian
mali man sa iba ay walang pakialam
daanin na lang sa tulog at surot na lang ang makinabang
isa lamang akong saksi sa mga nangyayari
walang magawa kundi imulat ang sarili
sa mga kaganapang nagpapalala sa kabayang api
sa kalakalang karamihan ay bulag at bingi
pinakamadaling paraan para sa kitang pansarili
may kasabihan na "ang madaling kinuha,mabilis din mawawala"
kapag bumalik sa inyo doble-doble ang mawawala
dahil sa kawalan ng konsiyensya at pagpapahalaga
sa halip na makatulong dagdag pahirap pa sa bulsa
hindi na nakuntento sa malinis lang na kita
balang araw baka ikaý mamalimos na lang sa bangketakabayaran ng pagkagahaman sa perang pinaghirapan ng iba.
No comments:
Post a Comment