Monday, December 31, 2012

Isang masaganang Bagong Taon...2013 !



MALIGAYANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT 
likha at titik ni Ka Noel Malicdem

Isang taon na naman ang mamamaalam
Dala ang lungkot at saya na pinagdaanan
Mga araw na lumipas halos di naramdaman
Panibagong taon ating bigyan ng bagong daan.

Bagong pag-asa, tuloy ang pakikibaka
Mabigyan katuparan buhay na masagana
Ano mang pagsubok dapat laging handa
Marunong makisama para buhay ay mapayapa

Bagong taon, bagong panata
Mabuhay ng simple at nasa tama
Tuwid na pamumuhay at iwas sa masama
Para sa buong taon buhay ay pinagpala

Ang aking panalangin ay pagakakaisa
Hidwaan sa isa’t-isa ay kalimutan muna
Gawing halimbawa ang pagpapakumbaba
At pagpapatawad sa taong may sala

Bagong taon,bagong simula
Tuloy ang buhay huwag mawalan ng pag-asa
Buhay ay aasenso kapag may tiyaga
Palaging magpasalamat sa biyayang bigay ng may likha.

"We'll Soon Be Free"

http://crackpotsgalore.blogspot.com/2004/12/independence-day.html